X X X— Expose by Anthony Taberna
The Cavite-Batangas Road
Maganda itong nadale mo Anthony. Matandang modus operandi na ito na walang nagbubunyag. Maraming Engineers na yumayaman dahil sa ganitong paraan, Ituloy mo na kaya at nang ma-imbestigahan tuloy yung lifestyles ng mga Engineers.
Kitang-kita sa coring sample na kinuha on the spot na hindi pa umabot ng 2-inches ang thickness ng asphalt. Lalung-lalo nang hindi makapapasa dito sa Canada iyang project na iyan, dahil sa ang minimum thickness dito ng asphalt road ay 6-inches (bukod pa iyong concrete sa ilalim ng asphalt).
Sa wari ko ay Recycled Asphalt Pavement (RAP) ang ginamit diyan ng kontratista. Nagamit na dati ang mga aggregates diyan, at ang ipinatong pa ay natutuklap na cold mixture na mas marami pa ang oil sa asphalt. May Abson test na dapat gawin dito sa RAP.
Bagsak na pala ang project sa Materials Testing ng Public Highways ay pinirmahan pa rin na pasado ng District Engineer. Laking kalintikan, at laganap ito noon pang unang nagkaroon ng Pilipinong Ihinyero diyan.
Ang solusyon diyan ay installment ang bayad sa kontratista at may field test pa muna habang nag-aaspalto.
Siguro marami ring pinasasahod ang District Engineer diyan kahit na wala namang taong nagtratrabaho!
